Ayala Corporation, kinilala muli bilang isa sa “best companies” sa Asya

Ayala Corporation, kinilala muli bilang isa sa “best companies” sa Asya

KINILALA na naman ng FinanceAsia bilang isa sa “best companies” sa buong rehiyon ang Ayala Corporation.

Para sa taong 2023, natanggap nito ang isang gold para sa Best Corporate ESG Strategy Philippines at bronze para sa Best Managed Company Philippines.

Ang pagiging isa sa mga kauna-unahang kompanya na nagpapairal ng sustainability efforts sa kanilang mga negosyo ang dahilan para makuha ng Ayala Corporation ang gold para sa ESG Impact Management.

Sa katunayan ay inilahad na ng Ayala noong 2021 ang kanilang target na makamit ang net zero greenhouse gas emissions sa taong 2050.

Ang Ayala Corporation ay ang tinaguriang oldest conglomerate sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter