LAYUNIN ng Ayala Corporation na mapalawak pa ang lahat ng kanilang business segments simula ngayong taon.
Kabilang na dito ang kanilang pharmacy chain na Generika, clinics, hospitals at iba pang digital services.
Sinabi ng Ayala na nais maabot ng kanilang AC Health ang mahigit 24 na milyong mga Pilipino hanggang taong 2030.
Para anila matulungan ang publiko sa kanilang mga pangangailangang medikal.
Upang maisagawa ito ay target nilang makaabot ng hanggang isang libong drugstores sa taong 2025.
Matatagpuan naman sa kanilang drugstores ang abot-kaya subalit de-kalidad na mga generic medicines.