ISASAILALIM sa drug rehabilitation ang babaeng lumabas mula sa isang kanal sa Makati, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay matapos niyang aminin na gumagamit siya ng iligal na droga, bagama’t hindi araw-araw.
Ang nasabing babae, na nakilala lamang sa pangalang “Rose,” ay nakatanggap ng ₱80,000 na livelihood package mula sa DSWD sa ilalim ng kanilang Pag-abot Program.
Layunin ng programang ito na matulungan ang mga indibidwal na makapagbagong-buhay at magkaroon ng pagkakataon sa mas maayos na pamumuhay.
Ang DSWD ay patuloy na nagsusulong ng mga programa tulad ng Pag-abot upang matulungan ang mga indibidwal na makalabas sa buhay kalye at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.