Babaeng nanganak sa daan ng Las Nieves, Agusan del Norte, nailigtas ng isang JMC medicine student

Babaeng nanganak sa daan ng Las Nieves, Agusan del Norte, nailigtas ng isang JMC medicine student

BAYANI kung maituturing ang isang second year college student ng Jose Maria College Foundation Inc. College of Medicine matapos nitong matulungan ang isang babaeng nanganak sa daan sa bayan ng Las Nieves Agusan del Norte.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Dave Harvey Angchangco, 2nd year college sa kursong medicine sa Jose Maria College, ikinuwento nito ang hindi niya inaasahang pangyayari.

Ito’y nang saklolohan nito ang isang babae na bigla na lang nanganak sa daan sa bayan ng Las Nieves nitong araw ng Lunes.

Ani Angchangco, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan na may babaeng nanganak na sa daan at hindi na nakarating pa sa ospital dahil sa malayo ito at wala pang masasakyan.

 “I was called by my colleague na mayroon nanganak sa street or sa daan so pinuntahan ko and I was shock na lumabas na ‘yung bata pati ‘yung placenta and I was there to assist the mother at saka ‘yung new born. Kasi when I saw a new born kumbaga nag blue siya parang synotic ang bata ibig sabihin noon need ng urgent or emergency need for the new born. So, inasist ko tinawag namin yung ambulance para ihatid namin sa hospital kasi nga wala naman akong gamit that time assist lang ‘yung mother and then and talk history doon sa mga tao doon,” salaysay ni Dave Harvey Angchangco-Junior Clerk-Jose Maria College Foundation Inc.

Pag-amin pa ni Angchangco, na siya ay kinabahan dahil inakala niyang mamamatay ang sanggol ngunit sa awa ng Poong Maykapal ay ligtas ito at stable na ang kalagayan.

Nilinaw rin ni Angchangco na ang kaniyang natutuhan ay dahil sa dekalidad na pagtuturo ng mga instructor ng Jose Maria College.

Pinasalamatan din ni Angchangco ang Jose Maria College Founding President na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa pagtatatag ng prestihiyosong paaralan na may dekalidad na mga pagtuturo sa medisina.

Binigyang-diin ni Angchangco na bagama’t hindi ito miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ ngunit nakikita nito sa butihing Pastor ang mga mabubuting asal at mga pagtuturo lalo na sa pagtulong sa kapwa na walang iniisip na kapalit.

 “To Pastor Apollo Quiboloy, thank you very much po sa lahat ng pag-spearhead ng education ng JMC. I’m so very proud na na-enroll ako sa JMC kasi sa instruction sa mga clinical instructors, sa facilities, masasabi ko talaga na state of the art ‘yun lahat. And I’m so very proud din sa other departments din na enroll din sa JMC because na malaki ang future na maibibigay ng JMC. So, thank you po to Pastor Apollo Quiboloy,” pasasalamat ni Angchangco.

Sa FB post ni Angchangco, pinasalamatan din nito ang SMNI at sinabi na bagama’t malayo pa ang kaniyang lalakbayin para maging ganap na physician ay gagawin nito ang lahat para makatulong sa mga nangangailangan.

Na isa sa kaniyang maipagmamalaki na kaniyang natutuhan sa Jose Maria College patunay sa tagline ng JMCFI na “Crafting Physicians With A Heart”.

Sa huli hinikayat ni Angchangco ang mga kapwa estudyante na subukang mag-aral sa Jose Maria College at bisitahin ang official social media account ng JMC para sa karagdagang impormasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter