Bacolod City Health Office nanawagan sa publiko vs. Mpox

Bacolod City Health Office nanawagan sa publiko vs. Mpox

NANAWAGAN na ang Bacolod City Health Office (CHO) sa publiko laban sa kumakalat na monkeypox (Mpox) matapos makapagtala ng pinaghihinalaang kaso ng sakit ang kalapit na lungsod nito.

Bagamat wala pang hinihinalang kaso ng Mpox ang siyudad, hiling ni CHO Head Dr. Grace Tan sa mga residente ng Bacolod na maging mapagbantay sa nakahahawang sakit.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng agad na pagbibigay impormasyon at pagpapa check-up sakaling makaramdam ng sintomas ng Mpox gaya ng lagnat at sugat sa balat.

Para maiwasan ang sakit, panatilihin lamang anito ang proper hygiene gaya ng palaging paghuhugas ng kamay, at huwag makihalubilo o lumapit sa mga taong biktima ng nasabing sakit.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble