Bagong mukha ng PNP Museum sa Kampo Krame, pasisinayaan ngayong araw

Bagong mukha ng PNP Museum sa Kampo Krame, pasisinayaan ngayong araw

PUSPUSAN na ang paghahanda sa mas pinagandang PNP Museum sa Kampo Krame.

Pangungunahan mismo ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin, Jr. ang pagbubukas sa nasabing museo hapon ng Lunes April 17, 2023.

Itatampok rito ang paggamit ng hologram na kauna-unahan sa kasaysayan ng mga museo sa bansa.

Habang, nilagyan din ng mas maayos na lugar ang ilang artifacts ng Pambansang Pulisya na sumisimbolo sa kasaysayan ng organisasyon at mga sakripisyo ng mga kawani ng PNP mula sa simula ng pagkakatatag nito.

Ayon sa director-curator nito na si Dr. Liz Villaseñor, ang nasabing proyekto ay isa lamang sa mga legasiya na iiwanan ni General Azurin sa nakatakda nitong pagreretiro ngayong darating na April 24, 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter