BUKAS na sa publiko ang bagong Office of the Vice President (OVP)-Bicol Region Satellite Office sa Legazpi City nitong Miyerkules, Hulyo 19.
Ito na ang pang-sampung satellite office ng OVP na layong ilapit ang mga programa ng gobyerno sa mga nangangailangang mamamayan.
Maaaring bumisita ang mga taga-Bicol Region sa bagong tanggapan na matatagpuan sa ANST III Building, Alternate Road, Legazpi City, Albay para maka-avail ng OVP services tulad ng medical at burial assistance.
Ang iba pang satellite offices ng OVP ay matatagpuan sa mga lungsod ng Davao, Zamboanga, Cotabato, Surigao, Cebu, Bacolod, Tacloban, Isabela, at Dagupan.