Bagong parking rates sa PITX, epektibo na

Bagong parking rates sa PITX, epektibo na

EPEKTIBO na nitong Martes, Enero 14, 2025 ang mas mataas na parking rates sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Para sa mga kotse, kung dati ay P60 ang flat rate, ngayon ay nagiging P60 na ang babayaran sa unang tatlong oras at madadagdagan ito ng P15 sa bawat susunod na oras.

Ang mga motorsiklo ay pagbabayarin na rin ng flat parking fee na P60 o mas mataas kumpara sa noo’y P50 lang.

Sa overnight parking, mula 1:30 ng madaling araw hanggang 5:00 ng umaga ay magkakaroon ng dagdag na singil na P300 kumpara sa noo’y P150.

Bukod pa ang dagdag-singil sa overnight parking sa regular na parking fee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble