AARANGKADA ngayong Kapaskuhan ang isang bagong ride hailing app na PeekUp.
Gaya ng ibang ride hailing services, magiging katuwang ng Pinoy commuters ang PeekUp lalo na ngayong paparating ang Christmas season.
Batid ng pamunuan ng PeekUp na magiging pahirapan ang pag-book ng sasakyan lalo na sa rush hours.
Kaya naman, sagot na nila ang isang mas nakalalamang na transport service hindi lang sa bilis ng booking, kundi ang mala-expensive ride experience saan man sa Metro Manila at maging sa karatig lalawigan nito.
Ngayong darating na Disyembre, asahan ang launching ng 20 MG4 (EV) Electric Vehicle sa bawat booking gamit ang PeekUp App.
Ito naman ay sa pakikipagtulungan ng PeekUp sa MG Motors na nangunguna sa mga de-kalidad na mga sasakyan sa bansa.
Isa rin sa mga ipinagmamalaki ng PeekUp ang paggamit ng e-vehicle sa kanilang serbisyo bilang pangangalaga sa kalikasan sa ilalim ng Clean Air Act na mahigpit na ipinatutupad sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble