Bagong runway ng Mactan-Cebu Int’l Airport, magpapalakas ng turismo sa Central Visayas

Bagong runway ng Mactan-Cebu Int’l Airport, magpapalakas ng turismo sa Central Visayas

INAASAHAN ng Department of Tourism (DOT) na mas lalakas pa ang turismo sa Central Visayas kasunod ng isinagawang inagurasyon ng bagong runway ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang bagong runway ay nagpapatibay sa posisyon ng Cebu bilang isang top tourist destination at bilang premier gateway sa mga isla ng Visayas at Mindanao.

Sa pamamagitan aniya ng bagong runway, mapapadali ang pagtungo ng parehong international at domestic tourists sa Central Visayas.

Noong 2024, umabot sa 11.3M pasahero ang naserbisyuhan ng MCIA, na mas mataas ng 13 porsiyento kumpara noong 2023.

Matatandaan na ang MCIA ay nanalo bilang Best Airport sa Asya sa ‘Under 5 Million Passengers’ category ng Routes Asia 2023 Awards.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble