NAKAPAGTALA ng record ang bagong Spider Man movie sa Global Box Office.
Super hero film “Spider-man: No way home,”nakapagtala ito ng record kung saan umabot na sa 1-B dolyar ang kinita sa Global Box Office.
Ayon sa industry watcher na exhibitor relations, ito ang unang pelikulang kumita ng bilyon sa takilya at syang naging kauna-unahang pandemic-era movie, habang napanatii rin nito ang North American Box Office top spot.
Nakamit nito ang record dalawang linggo mula ng ipalabas sa mga sinehan kung saan hindi pa ito naipalabas sa China na itinuturing na may pinakamalaking audience.
Tinalo nito ang Korean War Epic na “The Battle of Lake Changjin”, na kumita ng $905-M sa buong mundo”.
Tinalo din nito ang dalawang iba pang bagong series installments: ang “The Matrix Resurrections” mula sa Warner Bros na pinagbibidahan ng nagbabalik na si Keanu Reeves bilang Neo, na kumita lamang ng $12 million.
Ang “Spider-man: No way home,” na ikatlong solo starrer ng British actor na si Tom Holland, ay kumita ng $467.3 million sa North America at $587 million sa buong mundo.