Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic, itatala bilang pinakamahabang Road Race sa Pilipinas

Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic, itatala bilang pinakamahabang Road Race sa Pilipinas

ISANG makasaysayang kaganapan sa larangan ng palakasan ang magaganap sa Hunyo 23, 2025, sa pagsisimula ng Baguio-Tagaytay PhilCycling Classic — ang pinakamahabang road race sa kasaysayan ng Pilipinas na may kabuuang habang 292 kilometro.

Magsisimula ang karera sa Camp John Hay, Baguio City at magtatapos sa Tagaytay City Velodrome, isang modernong pasilidad sa lalawigan ng Cavite.

Ang ruta ng karera ay itinuturing na natatangi, dahil ito ang unang beses na gaganapin ang isang professional cycling race sa mga major expressways ng bansa gaya ng:

TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway)

SCTEX (Subic-Clark-Tarlac Expressway)

NLEX, Skyway, SLEX, at CALLAX

Mayroong 10 sprint segments sa karera kung saan ang unang makakatawid sa bawat segment ay makakatanggap ng ₱10,000. May kabuuang ₱100,000 sprint bonus na inilaan upang hikayatin ang mas matinding kompetisyon sa pagitan ng mga kalahok.

Bilang bahagi ng event, isang mahalagang aktibidad ang paglagda ng kontrata para sa Olympic Solidarity scholarship program, na nagbibigay ng suporta sa mga Pilipinong atleta sa kanilang paghahanda para sa Los Angeles 2028 Olympics.

Bukod sa malalaking premyo, layunin ng karera na itampok ang Pilipinas sa international cycling community, sa pamamagitan ng paglahok ng mga top-tier local at international athletes.

“This is not just a race—it’s a celebration of Filipino athleticism and a showcase of our country’s world-class potential,” ayon sa organizers ng PhilCycling.

Follow SMNI NEWS on Twitter