LUMABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Jenny pero aasahan naman ang pagpasok ng panibagong bagyo sa mga susunod na araw.
Ito’y dahil sa namataang bagong low pressure area (LPA) sa 1,950 kilometro sa silangan ng timog-silangang bahagi ng Luzon.
Sa ngayon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa kabila ng paglabas sa PAR ay patuloy na palalakasin ng Bagyong Jenny ang habagat kaya apektado pa rin ng mga pag-ulan ang northern at Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA ngayong Biyernes.