PAPALABAS na ng Philippine area of responsibility ang severe tropical storm Maring.
Huling namataan ang bagyo sa layong 315 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan sa 11:00am tropical cyclone bulletin ng PAG-ASA.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 125 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras at papalabas na ng Philippine area of responsibility.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Signal number 1 naman sa natitirang bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet, La union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Northern portion ng Bataan, Northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands.