Bagyong Maring signal no.1 na PDRRMO Pangasinan, nakaalerto

Bagyong Maring signal no.1 na PDRRMO Pangasinan, nakaalerto

NAKAALERTO na ngayon ang PDRRMO Pangasinan dahil sa mga pag-ulan na nararanasan dulot ng bagyong Maring.

Sa ngayon ay nasa signal number 1 na ang lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng SMNI News North Luzon kay Shalom Balolong, Head ng Early Warning Section ng PDRRMO Pangasinan sinabi nito na binabantayan nila ngayon ang Binga Dam dahil nakabukas na ang isang gate nito.

Naka monitor din si Governor Amado “Pogi” I. Espino III sa bagyong Maring at sa posibleng maging epekto nito sa probinsiya.

Pinuntahan ni Governor Espino ang Emergency Operations Center ng PDRRMO upang siguraduhin ang kaligtasan ng bawat pangasinense sa gitna ng masamang lagay ng panahon.

Bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng bagyo, nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) via video teleconference kasama ang iba’t ibang ahensya ng PDRRM Council.

Nakahanda na rin ang mga resources at equipment ng Pangasinan PDRRMO na maaaring gamitin sa pagresponde kung kinakailangan.

Samantala, pinapayuhan ang lahat na maging handa at alerto sa mga susunod na oras at manatiling nakatutok para sa pinakahuling updates ukol sa panahon.

SMNI NEWS