Bagyong Odette, pinaghandaan sa Bayan ng Dolores, Eastern Samar

NAKAHANDA na ang mga residente kahapon sa Bayan ng Dolores, Eastern Samar sa bagyong Odette.

Nagmistulang paradahan ng mga bangkang de motor ang parke na malapit sa tabing dagat sa Bayan ng Dolores, Eastern Samar para sa paghahanda sa paparating na sama ng panahon na si bagyong Odette.

Maaga pa nagtulong tulong ang nga residente para-iahon sa tubig ang nga nasabing bangka at dalhin ito sa mataas na lugar para hindi ito masira pagdumating na ang malakas na hangin.

Ayon sa Coast Guard, inabisuhan na nila ang mga kapitan na wag muna pumalaot ang mga mangingisda para maiwasan ang sakuna.

Binalot na rin ng mga trapal at tinalian ito, ang mga kubo kubo sa Christmas village ng Bayan na nasa Municipal plaza nito, at pansamantala munang walang pailaw sa gabi hangga’t di pa na naibabalik sa normal ang panahon.

SMNI NEWS