Bahagi ng Great Wall of China, nasira

Bahagi ng Great Wall of China, nasira

NASIRA ang isang bahagi ng sikat na Great Wall of China nang maghukay ang dalawang construction worker para gumawa ng shortcut.

Ayon sa mga pulis, naghukay gamit ang excavator ang dalawa ng shortcut para mabawasan ang oras ng kanilang pagbiyahe o pagtungo sa trabaho.

Dahil dito, nagkaroon ng malaking gap ang pader ng Great Wall at ayon sa mga pulis ay nakasira sa integridad ng Ming Great Wall at sa kaligtasan ng cultural relics.

Ang 32nd Great Wall sa bahagi ng Ming Great Wall ay itinuring na isang historical at heritage site simula pa noong 1987.

Itinayo ito noong 220 BC hanggang sa Ming Dynasty noong 1600s nang ito pa ang pinakamalaking istruktura ng militar sa buong mundo.

Matatandaan na batay sa 2016 report ng Beijing Times, mahigit sa 30 porsiyento ng Ming Great Wall ang tuluyan nang naglaho, habang nasa 8 porsiyento lamang dito ang itinuturing na well-preserve.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter