Bahagyang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

Bahagyang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo, epektibo ngayong araw

BAHAGYANG matatapyasan ang presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, Abril 30, 2024.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, 25 sentimos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

45 sentimos naman sa diesel habang 90 sentimos sa kada litro ng kerosene.

May kaparehong bawas-presyo rin sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz at iba pang kumpanya ng langis.

Epektibo naman ang rollback ng 6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na 12:01 uno ng hatinggabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble