Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas

Presyo ng produktong petrolyo, muling tataas

PANIBAGONG pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang aasahan ng mga motorista ngayong araw ng Martes, Abril 16, 2024.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil at Caltex, 40 sentimos ang bahagyang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang halos piso sa diesel at kerosene.

May kaparehong dagdag-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petrogazz at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang naturang price adjustment 6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na 4:01 ng hapon ipatutupad ang taas-presyo.

Dahil sa naturang price hike, papalo na sa higit P10 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng gasolina simula pagpasok ng taon batay sa year-to-date monitoring ng Department of Energy (DOE).

Habang P7 sa diesel at higit P2 naman sa kerosene.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble