PORMAL nang binuksan ang ika-38 Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ngayong araw.
Pinangunahan ito nina Defense Undersecretary Angelito dela Cruz na nagsilbing kinatawan ni Defense OIC Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. AFP Chief of Staff General Andres Centino at US Embassy Charge d’Affaires Heather Variava sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ng bansa.
Lalahukan ang pagsasanay ng 12,000 sundalong Amerikano, 5,000 sundalong Filipino at mahigit 100 sundalo ng Australia kasama ang mga bansa na magsisilbi bilang observers.
Tampok sa Balikatan ang maritime security, amphibious operations, live-fire training, urban and aviation operations, cyber defense, counterterrorism, at humanitarian assistance and disaster relief preparedness.
Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang interoperability ng magka-alyadong puwersa na tatagal hanggang Abril 28.