Bangkok, isa sa mga trending travel destination sa online search

Bangkok, isa sa mga trending travel destination sa online search

POSIBLENG umangat ang tourism revenue ng Bangkok, Thailand sa 80 porsyento ngayong taon dahil halos bumabalik na ang bilang ng mga bisita gaya noong wala pang pandemya.

Ayon kay acting Spokesman Anucha Burapachaisri, target ng gobyerno na iangat ang kita ng turismo sa 2023 sa higit 2 trilyong baht na posibleng magmula sa higit 20 milyong turista.

Ito ay aabot sa 80% ng pre-COVID tourism revenue kung saan 50% ng mga bisita noon ay inaasahang babalik na ngayon.

Ito ay kasunod ng isang report ng Hopper, isang sikat na online travel agency na nag-uulat ng Travel Boom sa Asya kung saan ang Bangkok ay kabilang sa top 3 trending destination kasama ang Tokyo at Ho Chi Minh City.

Ang ulat na ito ay base sa mga pagsasaliksik ng mga Amerikano para sa flight information ngayong 2023 mula pa noong unang linggo ng Disyembre.

Ayon sa Hopper, mas maraming Amerikano ang bibisita sa ibang bansa ngayong taon lalo na sa mga syudad sa Asya.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang mga Thai agency sa ibang mga bansa para sa maayos na koordinasyon sa mga turista nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter