Bar examinees na sinalanta ng Bagyong Paeng, maaring kumuha ng refund

Bar examinees na sinalanta ng Bagyong Paeng, maaring kumuha ng refund

INANUNSYO ng Korte Suprema na maaring makakuha ng refund ang mga examinee na hindi makakatuloy sa pagkuha ng Bar Exam dahil sa Bagyong Paeng.

Nanindigan ang Korte Suprema na tuloy ang nakaschedule na Bar Exam ngayong buwan ng Nobyembre.

Dahil dito pinapayagan ng Korte Suprema na makakuha ng refund ang mga examinee na hindi na kakayaning makakuha ng Bar Exam matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ito ang naging anunsyo ng Korte Suprema matapos ang desisyon na ituloy pa rin ang Bar Exam sa November 9, 13, 16, at 20 sa kabila ng nagdaang kalamidad at panawagan na ikansela muna ang eksaminasyon.

“Far from impervious to the needs and struggles of the examinees who are struggling aftermath of STS Paeng, and as the court fully understands that this may not restore to the affected examinees the true cost of their preparations for the Bar Examinations, it deems it right that the examinees who may be unable to take the 2022 Bar Examinations. As scheduled for the foregoing reason may apply for a refund of their bar fees,’’ ayon sa Supreme Court.

Ayon sa SC, maari silang maka-apply ng refund sa Office of the Bar Confidant sa pamamagitan ng BAR Plus sa kanilang mga registered email address.

Maari din namang hindi na magrefund ang examinee at gamitin na lang ang kanilang binayarang bar fees para sa 2023 Bar Examination ayon sa SC.

‘’At the option of the examinee, the bar fees may also be applied to the forthcoming Bar Examinations scheduled in September 2023,’’ saad ng Supreme Court.

Para sa katanungan ng mga examinee kaugnay sa refund maari silang pumunta sa website na 2022barexamhelpdesk at OBC Helpdesk.

Una namang sinabi ng SC na hindi maaring kanselahin ang nakaschedule na Bar Exam dahil maapektuhan nito ang mga susunod na schedule para sa naturang pagsusulit sa taong 2023.

‘’The Court acknowledges that any postponement of the Upcoming Bar Examinations will have ripple effects on, among others, the annual Bar Examinations, the next succeeding schedule of which is in September 2023,’’ paliwanag nito.

Ang Bar Exam ngayong Nobyembre ay gagawin sa 14 na testing centers kung saan 5 ay matatagpuan sa NCR, tig-3 sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter