Barangay at SK Elections, idineklarang ‘non-working day’ ni PBBM

Barangay at SK Elections, idineklarang ‘non-working day’ ni PBBM

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections bilang non-working day sa Pilipinas.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga Pilipino na bumoto sa Oktubre 30 ngayong taon.

Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay sa ilalim ng Proclamation No. 359, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 9.

Nakasaad sa proklamasyon na kailangan na mabigyan ng buong pagkakataon ang mga tao na lumahok sa nasabing halalan at gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto.

Mababatid na nagbigay ng ‘go signal’ ang Korte Suprema sa Commission on Elections (COMELEC) na ituloy ang pagsasagawa ng Barangay at SK polls na naka-iskedyul sa Oktubre 30, 2023, gaya ng naunang itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 11935.

Follow SMNI NEWS on Twitter