LUMAGDA ang Department of National Defense (DND) at Commission on Elections (COMELEC) sa isang Memorandum of Agreement (MOA) upang malabanan ang vote-buying sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Pinangunahan ito nina Defense Secretary Gilberto Teodoro, Jr. at COMELEC Chairman George Garcia sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Sinaksihan ito nina Commissioner Ernesto Ferdinand P. Maceda, Jr., Commissioner-in-Charge of the Committee on Kontra Bigay, at AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr.
Lumagda rin si Brawner sa isang MOA upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaraos na halalan sa bansa.
Nabatid na nakatanggap ang militar ng P40-M para sa kanilang administrative, operational at logistical need habang ginagampanan ang tungkulin.