Barangay Serbisyo Publiko ng City Gov’t of Davao dinagsa ng mga Dabawenyo

Barangay Serbisyo Publiko ng City Gov’t of Davao dinagsa ng mga Dabawenyo

LIBU-libong Dabawenyo ang dumagsa sa Mineral Gym, Brgy. 19-B, Davao City nitong Pebrero 28, 2025.

Ito’y upang makatanggap ng serbisyo mula sa iba’t ibang tanggapan ng lungsod kabilang ang Office of the City Mayor, City Health Office, City Legal Office, COMELEC, Philippine Statistics Authority, at City Social Welfare and Development Office.

Personal na dinaluhan ito ni City Mayor Baste Duterte, kasama ang ilang konsehal ng lungsod upang pakinggan ang mga hinaing ng mga Dabawenyo at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Dumalo rin sa aktibidad at nagbigay ng mensahe ang mga senatorial candidate ng PDP-Laban na sina Atty. Vic Rodriguez at Cong. Rodante Marcoleta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble