KINILALA bilang Makabata Star 2023 ng Anak TV Awards at Best Actress for TV ng 2023 Saludo Excellence Award ang actress na si Barbie Forteza.
Ito ang pinakalatest awards na natanggap ng actress ngayong taon.
Sa kaniyang post, sinabi ni Barbie na mas lalo pa niyang pagbubutihan ang pagbibigay saya at inspirasyon sa mga kabataang Pilipino.
Ang Anak TV ay isang organisasyon na nagsusulong ng media and television literacy at suportado ang pagkakaroon ng child-sensitive, family-friendly television sa bansa.
Ang Saludo Excellence Awards ay isa namang organisasyon na kumikilala sa mga outstanding Filipino leaders, talents, organizations, at companies.