Barko ng PH Navy, maghahatid ng relief goods sa Sarangani

Barko ng PH Navy, maghahatid ng relief goods sa Sarangani

HAHATIRAN ng relief goods ng BRP Tagbanua (LC296) ang Balut Island sa Sarangani na nakaranas ng magnitude 6.8 na lindol.

Kabuuang 1,000 family food packs ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 11.

Habang 100 piraso ng tarpaulin, malong, kumot, at 20 piraso ng shelter kit ang inihanda ng Office of Civil Defense (OCD) 11.

Nakatakdang maglayag ang BRP Tagbanua sa sandaling makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

Ayon kay Naval Forces Eastern Mindanao commander Commodore Carlos Sabarre, may kakayahan ang BRP Tagbanua na maghatid ng mga kinakailangan tulong sa malalayong lugar sa panahon ng sakuna at iba pang humanitarian assistance and disaster relief (HADR) missions.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble