KASAMA na ang larong baseball at softball sa 2028 Los Angeles Olympics.
Lubos itong ikinatuwa ng Amateur Softball Association of the Philippines lalo na’t magaling anila ang mga Pilipino dito.
Magugunitang sa 2020 Tokyo Olympics ay kasali sa lineup ng events ang baseball at softball subalit sa 2024 Paris Olympics ay tinanggal ito.
Samantala, maliban sa baseball at softball ay isinama rin sa 2028 Los Angeles Olympics ang cricket, flag football, lacrosse, at squash.