PUMANAW na ang bassist sa legendary rock bands na The Dawn at Wolfgang na si Mon Legaspi sa edad na 54.
Ayon sa inilabas na pahayag ng bandang The Dawn, malungkot nilang ibinabahagi ang biglaang pagkamatay ng kanilang kapatid na si Mon Legaspi dahil sa atake sa puso.
Dagdag ng The Dawn, lumaban si Mon sa ICU at talagang ikinalulungkot nila ang pagkawala ng napakatalentado at professional na musician at kanilang matalik na kaibigan.
Sumikat si Legaspi bilang miyembro ng bandang Wolfgang, ang hard rock band na unang nakilala noong 1990s na binubuo ng vocalist na si Basti Artadi, guitarist Manuel Legarda, at drummer Wolf Femora.