Batanes, niluwagan na ang mga COVID-10 protocols simula ngayong araw

Batanes, niluwagan na ang mga COVID-10 protocols simula ngayong araw

NILULUWAGAN na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Batanes ang quarantine protocols sa probinsya, simula ngayon alas 12:30 ng tanghali kung saan hindi na ipatutupad ang Provincial Executive Order No. 18.

Ibig sabihin nito, ang paggalaw ng mga indibidwal ay hindi na ipinagbabawal at ang boarder pass para sa mga inter-municipal travel ay hindi na ipatutupad.

Samantala, ang mga establisimyento ay maaari nang mag-operate sa loob ng 24 oras kabilang ang dine-in restaurants, ngunit dapat obserbahan ang minimum health standards.

Pagdating naman sa mga mass gathering, dapat may permiso mula sa municipal mayor kabilang ang kasal, family celebrations, fiesta, parade, government and cultural activities, at religious events.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang minimum health standards laban sa COVID-19 sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

SMNI NEWS