Batas na! panukalang isinulong ni Sen. Robin para sa paglibing ng Muslim, pinirmahan na

Batas na! panukalang isinulong ni Sen. Robin para sa paglibing ng Muslim, pinirmahan na

TAGUMPAY para sa mga Muslim. Ito ang paglarawan ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa pagpirma ng batas na titiyak ng tama at agarang paglibing ng yumaong Muslim, alinsunod sa tradisyong Islam.

Ikinagalak ni Padilla ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Republic Act 12160, o “An Act Requiring the Proper and Immediate Burial of Muslim Cadavers in Accordance with the Islamic Rites.”

“Napakalaking bagay ang bagong batas na ito para sa mga kapatid nating Muslim. Ang RA 12160 ay isang simple ngunit makabuluhang batas para sa kanila,” ani Sen. Robin Padilla.

Sa ilalim ng batas, kailangan ang tama at mabilisang paglibing sa mga Muslim na yumao, alinsunod sa tradisyong Islam—may certificate of death man o wala.

Dapat ding mailabas ng ospital, clinic, funeral parlor, morgue, kulungan o ibang pasilidad ang labi ng mga Muslim sa loob ng 24 oras. Ang labi ay ibabalot ng puting tela at ilalagay sa airtight at leak-proof na cadaver bag o wooden box.

Hindi pwedeng gawing dahilan ang hindi pagbayad ng hospital bill o medical expenses para hindi ilabas ang labi. Maaaring pumirma ang kamag-anak ng yumao ng promissory note.

Ang pag-withhold ng labi dahil sa hindi pagbayad ng fee ay papatawan ng pagkulong ng hanggang anim na buwan, o multa sa pagitan ng P50,000 at P100,000.

Matatandaang in-sponsor ni Padilla sa Senado ng House Bill 8925, na “sister bill” ng kaniyang Senate Bill 1273.

Ang Senate Bill 1273 naman ay nagbibigay ng patas na access sa Filipino Muslims at indigenous peoples (IPs) sa mga public cemeteries.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble