Beach at Kapurpurawan Rock Formation sa Ilocos Norte, paboritong puntahan ng mga turista

Beach at Kapurpurawan Rock Formation sa Ilocos Norte, paboritong puntahan ng mga turista

PABORITONG puntahan ng mga turista ang beach at Kapurpurawan Rock Formation na ipinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT) sa Ilocos Norte.

Kilala bilang “Boracay of the North,” ang mga beach sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Tampok sa beach na dinarayo ng mga turista sa Pagudpud, Ilocos Norte ay ang Blue Lagoon at Saud Municipal Beach.

Dahil sa malinis at malinaw na parang kristal ang tubig sa dagat na mula sa West Philippine Sea.

Sa katunayan, kung matatandaan na kinilala ang Saud Beach bilang 1 sa 25 na pinakamagagandang beach sa mundo ng magazine na Travel + Leisure na nakabase sa New York City.

Ang Pagudpud ay isa ring napakasikat na surfing site.

Samantala, pinuntahan din ng SMNI News Team ang Kapurpurawan Rock Formations na matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte.

Ang lugar ay pangunahing nasa listahan na puntahan ng mga turista dahil sa kakaibang pormasyon ng mga bato na gawa ng kalikasan.

Ang mga pormasyon ng bato sa Kapurpurawan ay nalikha sa malaking bahagi ng mga natural na puwersa gaya ng lakas ng hangin, alon ng karagatan, at pagtaas ng tubig.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter