Benguet Province, hiniling na payagan muling makapagsagawa ng pagmimina

Benguet Province, hiniling na payagan muling makapagsagawa ng pagmimina

HINIHILING ng Benguet Province na payagan silang muling magsagawa ng small-scale mining sa kanilang lugar.

Ayon kay Vice Gov. Ericson Felipe, bagamat inaantay pa nila ang approval ng aplikasyon ng Minahang Bayan, matagal nang kabuhayan ng kanilang mga residente ang pagmimina.

Marami aniya sa mga ito ang nakadepende sa nabanggit na aktibidad kaya imposibleng mapapahinto ang kagustuhan nila sa pagmimina.

Kaugnay nito ay hiniling na rin ni Gov. Felipe sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tukuyin o ipaalam na ang kinakailangan pang requirements para masimulan muli ang operasyon ng Minahang Bayan.

Taong 2018 nang ipinasara ng DENR ang Minahang Bayan sa Benguet kasunod sa malawakang landslide na nangyayari sa probinsya at nagiging sanhi ng mga nakatira dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter