Beyonce at Adele, nakatakdang muling magharap para sa mga nominasyon nito sa 2023 Grammys

Beyonce at Adele, nakatakdang muling magharap para sa mga nominasyon nito sa 2023 Grammys

MAGHAHARAP ang pop royalty na sila Beyonce at Adele sa Grammys sa muling pagkakataon matapos na maglabas ang mga music titans ng blockbuster albums na siyang naging dahilan upang manguna ang mga ito sa listahan ng mga nominado para sa 2023 Gala.

Pinangungunahan ni Beyonce ang listahan ng mga nominado na may 9 na nominasyon.

Sinundan ito ng rapper na si Kendrick Lammar na May 8 na nominasyon at si Adele at kapwa nitong balladeer na si Brandi Carlile na may tag-7 nominations.

Makahaharap ng album ni Beyonce na “Renaissance,” ang divorce-inspired album ni Adele na “30” sa pinakaprestihiyosong categories-anim na taon matapos na talunin ng British artist ang culture-shaking album ni Queen Bey na “Lemonade” noong 2017 para sa major awards.

 

Follow SMNI News on Twitter