BGYO, featured sa isang article ng Grammy website

BGYO, featured sa isang article ng Grammy website

FEATURED ngayon sa Grammy website ang five-member Filipino pop group na BGYO.

Sa article na “Many Sounds of Asian Pop”, inilarawan doon ang BGYO bilang isang grupo na magandang naihahalo ang pop at R&B subalit may bahid pa rin ito ng musikang tatak Pilipino.

Kasama ng BGYO sa nai-feature doon ang Car, Garden; Lexie Liu; So!Yoon!; at Pretzelle; Baek Yerin; at iba pa.

Noong nakaraang buwan ay napabilang din ang BGYO sa listahan ng “International Bands You Should Know About” ng Youtube Channel na Ms. Mojo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter