BiCam para sa 2025 national budget, itinakda sa susunod na linggo

BiCam para sa 2025 national budget, itinakda sa susunod na linggo

POSIBLENG sa Disyembre 9 o sa 10 na isasagawa ang Bicameral Conference Committee ng Kamara at Senado.

Ito’y para plantsahin ang panukalang P6.352T na national budget para sa 2025.

Sa ngayon ayon kay Sen. Grace Poe na chairman ng Senate Committee on Finance, kinukumpleto na lang ng technical working group ang mga magkaibang provision ng General Appropriations Bill o House version at ng Senate version ng 2025 national budget.

Kaugnay rito ay inihayag ng senadora na binibigyan ng sapat na pondo ang lahat ng mga ahensiya sa ilalim ng proposed 2025 national budget para mas maging ‘efficient’ ang kanilang serbisyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble