‘BIDA Program’ laban sa iligal na droga, inilunsad ng PNP

‘BIDA Program’ laban sa iligal na droga, inilunsad ng PNP

INILUNSAD ng Philippine National Police (PNP) ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o ‘BIDA Program’.

Pinangunahan ni Interior Undersecretary Oscar Valenzuela ang rollout ng programa sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City ngayong umaga.

Ayon kay Valenzuela, layunin ng programa ang drug reduction at rehabilitation, kung saan nais nilang putulin ang mismong ugat ng iligal na droga sa buong bansa.

Ipapaalam aniya ng programa sa mga kabataan ang masamang epekto ng iligal na droga habang tutulungan ang mga nalulong sa masamang bisyo.

Maliban dito, hihikayatin din nila ang pakikiisa ng publiko upang tuluyang mawakasan ang problema sa iligal na droga na sumisira sa buhay at kinabukasan ng mga kabataan.

 

Follow SMNI News on Twitter