Big time oil price hike, muling ipatutupad bukas

Big time oil price hike, muling ipatutupad bukas

MULING magpapatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis simula bukas, araw ng Martes.

Abiso ng Pilipinas Shell at Seaoil, nasa P 3.00 ang taas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa P 4.10 naman ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang diesel habang  P 3.50 sa kada litro ng kanilang kerosene.

May kapareho ring price hike sa gasolina at diesel ang Cleanfuel.

Pawang epektibo ang price adjustment ng alas 6 ng umaga bukas maliban sa Cleanfuel na alas 8:01 ng umaga.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may price hike ang oil companies.

Follow SMNI News on Twitter