Pagtatayo ng mandatory evacuation centers sa buong bansa, muling ipinanawagan ni Senator Bong Go

Pagtatayo ng mandatory evacuation centers sa buong bansa, muling ipinanawagan ni Senator Bong Go

MULING ipinanawagan ni Senator Christopher Bong Go ang mandatory na pagtatayo ng mga evacuation centers sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng nangyaring mga landslide sa Leyte at sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Agaton kung saan maraming pamilya ang nawalan ng tahanan.

Giit ni Go, dapat masolusyunan na ang pagsisiksikan ng mga biktima ng kalamidad sa mga temporary shelters bago pa man dumating ang panibagong sakuna.

At maiwasan na rin ang paggamit sa mga paaralan, tents, mga plaza, basketball court, gymnasiums at iba pang temporary shelters na hindi naman kumpleto sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima para makarekober.

Matatandaan na noong 2019 ay inihain ni Go ang Mandatory Evacuation Center Act matapos ang sunud-sunod na mga kalamidad na dumating sa bansa kung saan laging nakasaklolo ang senador.

Nakapaloob sa Senate Bill No. 1228 ang basic minimum requirements para sa bawat mandatory evacuation centers ay ang lokasyon, amenities at operation ng itatayong center.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation ang panukalang batas ni Go kasama na rin ang kanyang inihaing panukala na pagtatatag ng Department of Disaster Resilience.

BASAHIN: Mga pangako ni Pangulong Duterte noong 2016 elections, halos natupad na – Bong Go

Follow SMNI NEWS in Twitter