INANUNSIYO ng Commission on Elections (COMELEC) na 156 ang karagdagang bilang ng kandidato sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nabigyan nila ng show cause order.
Ito ay dahil sa premature campaigning o maagang pangangampanya, vote buying, at iba pang election offense.
Kasunod nito ayon sa COMELEC, umabot na sa 626 ang kabuuang bilang ng kandidatong nabigyan nila ng show cause sa loob ng apat na araw.
Ang kandidatong nabigyan ng show cause ay may tatlong araw na palugit para makapagpaliwanag sa komisyon.
Una nang tiniyak ng COMELEC na may mga kandidatong madidiskwalipika bago ang halalan sa Oktubre 30.