Bilang ng mga apektado sa shear line sa Davao Region at Caraga, halos 1-M na—NDRRMC

Bilang ng mga apektado sa shear line sa Davao Region at Caraga, halos 1-M na—NDRRMC

PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga apektadong residente sa Davao Region at Caraga dahil sa epektong dulot ng shear line.

Ang shear line ay ‘yung linya kung saan nagsasalubong ang malamig at mainit na hangin na dahilan ng mga pag-ulan.

Base sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes ay nasa 1-M indibidwal ang naapektuhan ng masamang panahon.

18 naman ang naitalang nasawi at walo ang sugatan bunsod ng landslide at flashflood.

Aabot naman na sa mahigit P2-B ang halaga ng pinsala na iniwan nito sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.

Samantala, pumalo na sa halos P100-M ang naipaabot na tulong ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble