Binahan Bridge sa Camarines Sur, naisaayos na; Serbisyo ng tren, palalawakin hanggang Quezon

Binahan Bridge sa Camarines Sur, naisaayos na; Serbisyo ng tren, palalawakin hanggang Quezon

MATAPOS ang halos dalawang buwang pagsasaayos, ganap nang naibalik ng Philippine National Railways (PNR) ang operasyon ng Binahan Bridge sa Ragay, Camarines Sur—isang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng rail services patungong Quezon.

Bilang bahagi ng rehabilitasyon, pinalitan ng PNR ang dating kahoy na riles ng mas matibay at matagalang synthetic alternatives upang mapanatili ang kaligtasan at tibay ng biyahe ng mga pasahero.

Ang pagkakumpuni ng tulay ang nagsilbing daan sa pagpapalawak ng operasyon ng PNR sa rehiyon. Muling bubuksan ang linya ng tren mula Naga hanggang Sipocot, at palalawakin pa patungong Ragay sa Camarines Sur at Tagkawayan sa Quezon.

Bahagi ito ng 99-kilometer Naga-Tagkawayan rail line revival project na layong mapabuti ang serbisyo sa mga pasahero sa Southern Tagalog at Bicol regions.

Samantala, patuloy na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni Secretary Vince Dizon, ang paghahanap ng pondo para sa mas malawak na proyekto—ang 556-kilometer PNR South Long Haul (SLH), na layuning ikonekta ang Metro Manila sa mga lalawigan sa timog.

Inaasahan namang mas mapapabilis ang pagbabalik ng biyahe ng tren sa mga apektadong bayan at lalawigan sa muling pagbubukas ng Binahan Bridge—isang hakbang patungo sa mas episyente at mabilis na transportasyon para sa mga komyuter.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble