UMAPELA si Makati City Mayor Abby Binay para sa pag-unawa ng publiko dahil sa “human error” sa pag-turok ng bakuna sa isang vaccine recipient ng COVID-19 vaccine.
Ani Binay isa itong “human error” sa parte ng volunteer nurse na agad namang naitama.
Dagdag ni Binay, nabakunahan na yung taong nasa video at naiintindihan nito ang nangyari at ito rin mismo ang nagsabi na huwag nang tanggalin ang nurse.
Dagdag ni Binay, mahigit isang taon nang nagtatrabaho ang mga frontliners at sa totoo lang aniya ay napakahirap nang kumuha ng mga vaccinators ngayon.
Umapela din si Binay sa mga nagpapakalat ng video sa publiko na iwasan ang pag-akusa sa nurse na nagbebenta ito ng bakuna kung kaya’t hindi nito naiturok nang tama ang bakuna sa pasyente.
BASAHIN: Makati, nag-aalok ng libreng bakuna kontra COVID-19 para sa city workers
8 barangay opisyal ng Makati, suspendido ng 3 buwan
Samantala, walong opisyal ng Barangay Carmona, Makati kabilang na ang chairman nito ang suspendido ng tatlong buwan dahil sa hindi nito pagpasa at pagpapatupad ng Barangay Annual Investment Program and Budget noong 2019 at 2020.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Makati City, ang pagkakasuspinde kay Barangay Chairman Joselito Salvador at iba pang opisyal ay magiging epektibo simula Hulyo 4, 2021.
Base sa nakasaad sa Makati City Council Resolution, sinabi dito na ginamit ng Barangay Carmona ang reenacted budget sa loob ng dalawang magkasunod na taon.
Ito ang naging dahilan kung bakit natipid ang mga residente ng Carmona ng mga kailangan social services dahil sa walang pondong maaaring magamit para sa implementasyon ng mga programa.
Samantala, ang DILG-Makati ang mangangalaga sa barangay sa kalagitnaan ng 90-day suspension period.