KASABAY ng successful BINIverse World Tour ay kinilala ang Nations Girl-Group na BINI ng American Forbes Magazine.
Kabilang ang BINI sa listahan ng ‘Forbes 30 under 30’ class 2025.
Isa sila sa 4,500 nominess at 300 entries mula sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific kasama ang Australia, Japan, China, South Korea, Singapore, India, Indonesia at marami pang iba.
One and only girl-group din ang BINI na nakapasok sa Forbes 30 Under 30 Asia list ngayong taon, habang dalawa naman sa South Korean Boy-group ang nakapasok; katulad ng Stray Kids, at Big Ocean.
Ang Forbes 30 Under 30 ay listahan ng Forbes Magazine na kumikilala sa 30 influential people under age 30 na naging successful sa kanilang career sa industriya katulad ng business, technology, music, sports, arts, and science.