Binuong DILG-led Bohol Task Force, nasa Bohol para magsagawa ng imbestigasyon

Binuong DILG-led Bohol Task Force, nasa Bohol para magsagawa ng imbestigasyon

KINUMPIRMA ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. nitong Lunes na anim na miyembro ng Bohol Task Force ang nasa lalawigan na ngayon upang imbestigahan at tukuyin ang mga nasa likod ng pagtatayo ng isang resort sa loob ng sikat na Chocolate Hills.

Ang naturang task force ang kukuha ng mga dokumento.

Nilikha ni Abalos ang task force, na binubuo ng mga legal at teknikal na tauhan mula sa DILG.

Ito ay upang imbestigahan ang Captain’s Peak Resort sa Sagbayan, Bohol.

Nakuha ng resort ang atensiyon at galit ng netizens matapos itong itayo sa gitna mismo ng sikat na natural attraction.

Ayon sa kalihim, hahanapin nila ang lahat ng mga kaugnay na dokumento ng konstruksiyon.

Sinabi ni Abalos na titingnan ng task force ang posibleng pananagutan at gayundin ang pagrerekomenda ng pagsasampa ng mga kaso laban sa lahat ng sangkot sa pagtatayo ng Captain’s Peak Resort.

Inatasan din ng DILG Chief ang mga local government unit na lumahok sa proseso.

Ang Chocolate Hills ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protektadong lugar sa ilalim ng Proclamation No. 1037, series of 1997 at Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble