BIR, nagpaalala sa mga taxpayer na maghain at magbayad ng 2024 income tax return bago ang Abril 15

BIR, nagpaalala sa mga taxpayer na maghain at magbayad ng 2024 income tax return bago ang Abril 15

PINAALALAHANAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na magsumite at magbayad ng kanilang taunang income tax return para sa taong 2024 bago ang Abril 15 upang maiwasan ang multa.

Ayon sa BIR, sa pangunguna ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., maaaring gamitin ng mga taxpayer ang kanilang e-filing facilities para sa mas mabilis na pagbabayad ng buwis sa ilalim ng “pay as you file” system.

Kasama sa E-facilities na ito ang Electronic BIR Forms at ang Electronic Filing and Payment System para sa mga kinakailangang gumamit nito.

Para naman sa mga walang internet access, maaaring magtungo sa E-lounge facility ng revenue district office kung saan sila ay bibigyan ng gabay sa E-filing ng kanilang tax return.

Dagdag pa ng ahensya, magtatayo rin ito ng electronic filing at tax assistance center sa BIR compound sa Senator Miriam Santiago Avenue, Quezon City upang mapagsilbihan ang lahat ng taxpayer.

Bukas ang nasabing opisina mula Marso 24 hanggang Abril 15, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, maliban sa mga araw ng linggo at holidays.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble