Biyaheng Calamba-Lucena ng PNR, balik na sa unang araw ng Abril

Biyaheng Calamba-Lucena ng PNR, balik na sa unang araw ng Abril

BUMALIK na ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) na babagtas mula Lucena hanggang Calamba at balikan.

Batay sa anunsiyo ng PNR, ang biyahe mula Calamba hanggang Lucena ay naka-schedule sa 5:45 ng hapon.

Ang biyahe mula Lucena hanggang Calamba ay naka-schedule naman ng 5:00 ng umaga.

Samantala, una naman inanunsiyo ng PNR na para mapabilis ang paggawa ng North-South Commuter Railway (NSCR), pansamantalang tigil-operasyon ang ruta ng PNR na Governor Pascual-Tutuban at Tutuban-Alabang simula Marso 28, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter