BOC official at dating co-owner ng Cale88, ipinatatawag sa impeachment court

BOC official at dating co-owner ng Cale88, ipinatatawag sa impeachment court

Naglabas ng subpoena ang Senate impeachment court laban sa dalawang testigong hiniling ng legal team ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at dating co-owner ng Cale88 Foods Corp.

Inatasan sina Bureau of Customs Deputy Commissioner Agaton Teodoro Uvero at Lourdes Tingson-Lebosada na humarap sa korte at magsumite ng mga dokumentong may kaugnayan sa kompanya.

Tatanungin si Uvero tungkol sa export records ng Cale88, habang si Tingson-Lebosada naman ay tungkol sa ownership, operasyon at financial transactions nito.

Sinisiyasat ng mga senador ang P319 milyong inward remittances na natanggap umano ng Cale88 mula sa mga kompanyang nakabase sa China.

Nakatakdang magpatuloy ang impeachment proceedings sa Disyembre 1, alas-10 ng umaga.

Follow SMNI NEWS in Twitter