Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P1-B ayuda o halaga ng humanitarian assistance sa mga lugar na matinding naapektuhan ng El Niño.
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit P930 milyon dito ang naipamahagi bilang emergency cash assistance, partikular sa mga magsasaka sa Cagayan, Isabela at Camarines Norte.
Kabilang din sa ayuda ang family food packs, non-food items at water filtration kits, habang personal na mangangasiwa si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa cash assistance payout sa Cagayan ngayong weekend.
Patuloy rin ang pagbabantay ng ahensiya sa 6,300 sites ng Lawa Initiative at mahigit 9,000 sites ng Binhi Program na nagbibigay ng suporta sa suplay ng tubig at pagsasaka.
Samantala, umabot na sa mahigit P23 bilyon ang naipamahaging ayuda ng ahensiya sa ilalim ng UPLIFT Program para sa mga apektado ng krisis sa Middle East.
Ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sa mga benepisyaryo ang mga pamilyang kabilang sa 4Ps, mahihirap at hindi mahihirap na sambahayan, at mga miyembro ng SSS na kumikita ng mas mababa sa P20,000 kada buwan.
Sa Group 1, nakatanggap na ng ayuda ang 3.2 milyong sambahayan; 800,000 naman sa Group 2, at 900,000 sa Group 3.
Pinayuhan ng DSWD ang mga benepisyaryo sa Group 2 na hanggang Nobyembre 30 na lamang ang pag-update ng kanilang impormasyon online, kabilang ang bank account details.
Samantala, mahigit P1 bilyon na rin ang naipamahaging cash assistance, food packs at iba pang ayuda sa mga lugar na apektado ng El Niño, kabilang ang P913 milyon na emergency cash transfer.
