Bongbong Marcos, pinasalamatan si Pang. Duterte sa kanyang kaarawan

Bongbong Marcos, pinasalamatan si Pang. Duterte sa kanyang kaarawan

NAGPAABOT ng kanyang pagbati ang presidential frontrunner na si Bongbong Marcos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-77 karawan ng Punong Ehekutibo.

Hindi lamang basta pagbati ang ipinaabot ni BBM kundi pasasalamat sa mga nagawa ng Pangulo.

“Well of course we wish him a very happy birthday and we will always be grateful for what he has done for the country. And I think that reflected in the way that people, the Filipinos now react to him. He has been a true leader, he has been a true servant to the people. That is why people trust him and still believe in him,” pahayag ni BBM.

Sa pinakahuling survey, nasa +60 ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte.

Ayon sa SWS, very good ang satisfaction rating ng Pangulo kahit patapos na ang kanyang termino.

Kaya, manghang-mangha si BBM dito.

‘That’s very hard to say. Usually by the end of the term hirap na eh. Pero si Duterte hindi,’ ayon kay BBM.

Follow SMNI News on Twitter